Nurmagomedov wagi kontra McGregor sa UFC; dalawang kampo nagbubugan matapos ang match

By Justinne Punsalang October 07, 2018 - 05:43 PM

AP

Nadepensahan ni Khabib Nurmagomedov ang kanyang lighweight belt matapos niyang talunin si Conor McGregor sa ikaapat ng round para sa UFC 229.

Ngunit tila nagkaroon ng pa second game ang kanilang tapatan matapos magkagulo ang mga kampo ng magkabilang mixed martial artist.

Pagkatapos kasi ng kanilang match ay nagyabang si Nurmagomedov sa kampo ni McGregor na sinagot naman nila ng paghahamon.

Ikinapikon ito ni Nurmagomedov na lumabas mula sa ring at inupakan si Bellator welterweight Dillon Danis na siyang nag-train kay McGregor.

Kasabay naman nito ay dalawang lalaki ang pumasok sa ring at pinagsusuntok ang bugbog-sarado nang si McGregor.

Agad namang dumating ang mga security personnel upang awatin ang gulo.

Ngunit hindi na nagkaroon pa ng pagkakataon na mailagay kay Nurmagomedov ang kanyang championship belt.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.