Hindi bababa sa 11 katao, patay sa magnitude 5.9 na lindol sa Haiti

By Isa Avendaño-Umali October 07, 2018 - 01:01 PM

Hindi bababa sa labing isang katao ang nasawi sa pagtama ng magnitude 5.9 na lindol sa Haiti.

Ayon kay Secretary of State Eddy Jackson Alexis, sa partial assessment ay labing isang indibidwal ang namatay pero posibleng madagdagan pa ito.

May mga naitalang sugatan din sa malakas na pagyanig, pero hindi pa inilalabas ang bilang.

Bunga pa rin ng lindol, maraming bahay, ospital, simbahan at iba pang imprastraktura ang nasira at bumigay.

Sa kanyang post sa Twitter, hinimok ni Haiti President Jovenel Moïse ang kanyang mga kababayan na manatiling kalmado, habang ginagawa ng risk management system at regional civil protection directorates ang lahat upang maayudahan ang mga apektadong lugra.

Nakikipag-ugnayan din aniya siya sa prime minister para naman sa relief operations at agarang paggamit ng resources.

 

TAGS: haiti, haiti

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.