Mula alas-diyes ng Sabado ng gabi (October 6), ay “temporarily closed” na ang naturang U-turn slot upang bigyang-daan ang konstruksyon ng Metro Rail Transit o MRT-7.
Ayon sa MRT-7 Traffic Task Force, dalawang buwang sarado ang Don Antonio U-turn slot dahil sa isasagawang istasyon.
Sa mga maaapektuhan nito, lalo na ang mga motoristang mula eastbound patungong westbound, maghanap muna anila ng alternatibong ruta.
Sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA, na maaaring dumaan ang mga motorista sa Eclaro U-turn slot na 1.2 kilometers ang layo mula sa Don Antonio U-turn slot.
Nauna ang humingi ng pang-unawa ang MMDA dahil sa magiging epekto ng pagsasara ng naturang U-turn slot.
Ang MRT-7, na bahagi ng “Build, Build, Build” program ng pamahalaan, ay isang 23-kilometer railway system na may labing apat na istasyon mula North Avenue sa Quezon City hanggang San Jose Del Monte, Bulacan.
WATCH: Mula alas-diyes ng Sabado ng gabi (October 6), ay “temporarily closed” na ang Don Antonio U-turn slot sa Commonwealth Ave. upang bigyang-daan ang konstruksyon ng Metro Rail Transit o MRT-7. pic.twitter.com/PGM918kzvT
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) October 7, 2018