Pagsala sa mga nuisance candidates, sinimulan na ng Comelec

By Ricky Brozas November 04, 2015 - 04:27 AM

 

NuisanceSinimulan na ng Commission on Elections ang pagdinig sa mga kandidato sa pagka-presidente, bise presidente at senador na sinampahan ng Comelec Law Department ng Motu Propio petition dahil sa umano’y pagiging nuisance candidate.

Pero mula sa 20 aspirante na ipinatawag para humarap sa unang preliminary conference kahapon ng umaga, siyam lamang ang nakadalo.

Layunin ng conference na mabigyan ng pagkakataon ang mga nasabing kandidato na magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat na ideklarang nuisance o panggulong kandidato.

Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, kasama sa kanilang sinusuri ay ang personal at praktikal na kakayahan ng kandidato, track record at karanasan.

Ito ay para matukoy din kung may kakakayahan din ang kandidato na maglunsad ng national campaign.

Noong October 21, naghain ang Comelec Law Department ng motu proprio petition para madisqualify ang 125 mula sa 130 naghain ng kandidatura sa pagka-presidente, 13 mula 19 aspirante sa pagka-bise presidente at 128 mula sa 172 aspirante sa pagka-senador, Ang serye ng conference ay tatagal hanggang November 10, at pagkatapos, magdedesisyon na ang first at second division ng Comelec kung sinu-sino ang idedeklarang nuisance.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.