Pang. Duterte, “deserve” ang bakasyon sa Hong Kong

By Chona Yu October 07, 2018 - 12:00 PM

“Relax ka lang dyan.”

Ito ang naging pahayag ni Presidential Communicitons Operations Office Secretary Martin Andanar sa ginawang pagbabakasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hong Kong, kasama ang partner na si Honeylet Avanceña at anak na si Kitty.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Andanar na kaya napili ng pangulo na magbakasyon sa Hong Kong dahil bago pa man naging lider ng Pilipinas ay paboritong pasyalan nito ang nasabing lugar.

Nais lamang aniya ng presidente na makapamasyal, makapag-ikot-ikot, makakain ng gustong pagkain at makabili ng mga gustong damit.

Deserve din aniya ng punong ehekutibo ang magbakasyon lalo’t isang napaka-hardworking na lider ni Duterte.

Dagdag ni Andanar na maganda na sa Hong Kong nagbakasyon ang pangulo para makapag-enjoy at walang istorbo.

Samantala, sinabi ni Andanar na hindi dapat pansinin ng Pangulong Duterte ang batikos ng mga kritiko sa kanyang pamamasyal sa Hong Hong, dahil wala naman silang ginawa kundi punahin ang kanyang mga ginagawa.

Asahan na aniya na mas magiging maigting ang pagbatikos ng mga kritiko ngayong linggo lalo’t filing na ng certificate of candidacies simula sa October 11.

Ayon kay Andanar, pagbalik aniya ng pangulo ay bakbakan na rin muli sa trabaho lalo’t bibiyahe ang pangulo sa Bali, Indonesia para dumalo sa ASEAN leaders na gaganapin ngayong linggo.

 

TAGS: Rodrigo Duterte, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.