ERC, hindi makikialam sa non-renewal ng PECO franchise

By Erwin Aguilon October 07, 2018 - 11:08 AM

 

Inquirer file photo

Walang nakikitang problema si Energy Regulatory Commission o ERC Chairman Agnes Devanadera kung hindi man i-renew ng Kamara ang prangkisa ng Panay Electric Company o PECO.

Gayunman, sinabi ni Devanadera na dapat lamang tiyakin na walang magiging problema sa supply ng kuryente ng mga residente.

Ang pahayag ng ERC ay bilang reaksyon sa nauna nang sinabi ni House Committee on Legislative Franchise Chairman Rep. Josef Alvarez na mas maraming kongresista ang hindi pumapabor na i-renew pa ng panibagong 25 taon ang prangkisa ng PECO, ang electric utility ng Iloilo City, dulot na rin ng maraming reklamo ng mga consumer sa serbisyo nito gaya ng palagiang brownout, overbilling at mahinang customer service.

Hawak din umano ng komite ang iba pang reklamo ng mga consumer patungkol sa pagtaas ng 1,000% ng kanilang electricity bill gayundin ang ipinasang resolusyon ng Sangguniang Panglungsod sa Iloilo City na humihiling sa Kamara na huwag nang bigyan ng prangkisa ang PECO at mas nais ng lupon na ang gobyerno na ang mangasiwa sa kanilang power supply.

Ang prangkisa ng PECO ay nakatakda nang magpaso sa Enero 18, 2019.

Tiniyak naman ni Devanadera na lahat ng reklamo laban sa PECO ay kanilang naman tinugunan at kung magdedesisyon ang Kamara na tuluyan nang tanggalan ito ng prangkisa ay desisyon na ito ng mga mambabatas.

Samantala umapela naman si Iloilo City Councilor Joshua Alim sa Kamara na silipin ang kanilang kondisyon sa lalawigan gayundin ay pagtuunan ng pansin ang kanilang isinumiteng dokumento na naglalaman ng mahigit 30,000 lagda na tumututul sa patuloy na operasyon ng PECO.

Dagdag pa ni Alim na batay sa pag-aaral ng Singapore-based na Consultancy Firm na WSP sa infrastracture ng PECO, lumalabas na huling-huli ito kung ikukumpara sa mga ibang distribution utilities sa Manila, Cebu at Davao.

Mariin namang itinanggi ng PECO ang alegasyon patungkol sa kabiguan daw nilang i-refund ang ipinataw nilang power generation surcharges sa kanilang consumers.

Ayon sa PECO, nagpapatuloy pa rin hanggang sa ngayon ang refund process para rito.

Sa katunayan, mula sa dating P631.3 million na kailangan nilang i-refund na power generation surcharges ayon sa ERC, bumaba na lamang daw ito sa ngayon sa P34 million, na inaasahang maibalik sa consumers sa 2nd quarter ng 2019.

Nag-ugat anila ang refundable amount na ito sa generation rates na sinisingil nila sa electricity generators at nakasaad naman umano sa billing statements.

 

TAGS: erc, peco, erc, peco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.