LOOK: Pang. Duterte, pumili ng mga damit na “yellow” sa HK

By Isa Avendaño-Umali October 07, 2018 - 10:56 AM

Photo credit: SAP Bong Go

Idinaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa window shopping ang kanyang pahinga sa Hong Kong.

Sa mga litrato na ipinost ni Special Assistant to the President o SAP Christopher “Bong” Go, makikitang nasa isang pamilihan ng damit si Pangulong Duterte.

Caption ni Go, “Kahit panay ang batikos ng dilawan kay Tatay Digong, nagawa pa niyang pumili ng damit na kulay Yellow!”

Sa comment section naman ng post ni Go, nagpaabot na well-wishes ang mga tagasuporta ng presidente.

Kasama ng punong ehekutibo sa Hong Kong ang common law wife nito na si Honeylet Avaceña at kanilang anak na si Kitty.

Inaasahang babalik sa Pilipinas ang pamilya ngayong araw ng Linggo.

Noong nakaraang mga araw, naging usap-usapan ang mga estado ng kalusugan ni Pangulong Duterte na umaming nagpatingin sa Cardinal Santos Medical Center noong October 3 para sumailalim sa diagnostic tests.

Ito’y sa kabila ng iba-ibang statements ni Presidential Spokesman Harry Roque at SAP Go.

TAGS: President Rodrigo Duterte, SAP Bong Go, President Rodrigo Duterte, SAP Bong Go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.