Ayon sa Zamboanga City Provincial Disaster Risk Reduction and Management, ang landslide ay dulot ng malakas na pag-ulan.
Karamihan sa mga apektadong pasahero at iba pang motorista ay mula Pagadian City na patungong Zamboanga City.
Hindi madaanan ang kalsada mula alas-dos y medya ng Sababo ng hapon (2:30PM), pero agad na nagsagawa ng clearing operations ang mga tauhan ng Department of Public Works and Highways o DPWH upang maalis ang mga debris at putik kaya nakadaan na ang mga sasakyan pasado alas-singko ng hapon (5:00PM).
Wala namang naitalang sugatan o nasawi sa landslide, at wala ring natabunang sasakyan o ari-arian.