LOOK: Sha-Goms, sumabak na sa shooting para sa kanilang bagong pelikula

 

Photo credit: @reallysharoncuneta

Balik-tambalan na ang tinatawag na “Sha-Goms” o sina Sharon Cuneta at Richard Gomez para sa kanilang bagong pelikula.

Nagpost si Sharon sa kanyang official Instagram account ng video at mga litrato ng unang araw ng kanilang shooting day para sa movie na may titulong “Three Words to Forever.”

Caption ni Megastar sa kanyang ipinost na mga larawan, “Direk, @starcinema, sorry mga pasaway talaga kami. Last na po!”

Kilig na kilig naman ang kanilang fans, na excited nang mapanuod ang reunion movie ng dalawa.

Nauna nang sinabi ni Sharon na ang huling project nila ni Goma ay labing limang taon na ang nakalilipas.

Bukod sa Sha-Goms, kasama rin si Kathryn Bernardo sa pelikula sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.

 

Read more...