17-anyos na binatilyo, sugatan makaraang saksakin ng isang 6-anyos na bata sa Valenzuela

By Isa Avendaño-Umali October 07, 2018 - 07:27 AM

Sugatan ang isang 17-anyos na binatilyo makaraang masaksak ng isang 6-anyos na bata sa Valenzuela City.

Batay sa report ng Valenzuela City Police, ang biktima ay kinilalang si John Jefferson Gorduiz, na taga-Barangay Balangkas, habang ang suspek ay kinilala lamang sa pangalang “Von” na isang grade 2 student.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, Sabado ng hapon (October 06) nang magkaroon ng pagtatalo si Gorduiz at ang ama ng bata na kinilalang si Ruel Dichoso.

Minura raw ni Gorduiz si Dichoso na lasing hanggang sa hampasin ng kawayan.

Hinabol ni Dichoso si Gorduiz na nakasalubong naman si alyas Von, na pinagsasaksak ang biktima sa tiyan gamit ang isang kitchen knife.

Dinala si Gorguiz sa Valenzuela City Emergency Hospital, pero kinalauna’y inilipat sa Valenzuela Medical Center kung saan siya inoobserbahan.

Si alyas Von na isang “child at risk” ay hindi inaresto ng mga pulis, at sa halip ay ipinaubaya sa kustodiya ng Valenzuela City Child Protection Center para sa counseling at intervention.

 

TAGS: Valenzuela City, Valenzuela City Police, Valenzuela City, Valenzuela City Police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.