Maalinsangang panahon mararanasan sa buong bansa ngayong araw – PAGASA
Walang nakikita ang PAGASA na anumang sama ng panahon na makakaapekto sa bansa sa susunod na tatlong araw.
Ayon sa 4am weather advisory ng PAGASA, ‘easterlies’ lamang o hangin na galing sa karagatang Pacifico ang nakakaapekto sa ilang bahagi ng bansa.
Maalinsangan ang panahon sa buong bansa na may posibilidad ng pulo-pulong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat lalo na sa Silangang bahagi ng Luzon at Visayas dahil sa easterlies.
Ngayong araw, ligtas na makakapalaot ang mga mangingisda sa mga baybaying dagat ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.