La Salle, talo sa unang laban kontra Ateneo sa UAAP Season 81

By Rhommel Balasbas October 07, 2018 - 02:12 AM

Patuloy ang pag-arangkada ng Ateneo Blue Eagles sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament matapos talunin ang La Salle Green Archers sa kanilang laban kahapon sa iskor na 71-55.

Dahil dito, umabante ang win-loss record ng Ateneo sa 5-1 na pangalawa sa standings na pinangungunahan ng Adamson University sa 5-0.

Ito na ang ikalimang sunod-sunod na pagkapanalo ng Blue Eagles sa torneo.

Ang Green Archers naman ay bumagsak sa ikaapat na pwesto sa kanilang 3-3 slate.

Sa unang half pa lamang ng laban ay nagpakitang gilas na ang Ateneo sa 28-21 lead.

Ayon kay Ateneo assistant coach Sandy Arespacochaga, nagfocus lamang ang kanyang koponan sa kailangan nilang gawin at ipinamalas ang kanilang istratehiya sa depensa.

Nanguna para sa Blue Eagles si Angelo Kouame sa kanyang 20 puntos, 13 rebounds at five blocks.

Dinala naman ni Aljun Melecio ang bandera ng Green Archers sa kanyang 21 puntos.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.