Jackpot para sa Ultra Lotto 6/58 ngayong araw inaasahang papalo sa P935M

By Rhommel Balasbas October 07, 2018 - 05:29 AM

Posibleng umabot sa P935 milyon ang jackpot prize para sa Ultra Lotto 6/58 ngayong araw, October 7.

Ito ang inihayag ng Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) sa kanilang Facebook page.

Mamayang alas-9 ng gabi ang draw para sa naturang lotto.

Matatandaang noong Biyernes ay walang nakakuha sa winning combination na 01-30-27-36-49-12 at may papremyo itong higit P903M.

Patuloy ang pagtaas ng jackpot sa 6/58 na pinakamalaki na sa kasaysayan ng lotto sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.