Health condition ng pangulo, dapat malaman ng publiko – Alejano

By Rhommel Balasbas October 07, 2018 - 04:11 AM

AP Photo via INQUIRER.net

Muling iginiit ni Magdalo party-list Representative Gary Alejano na isiwalat ng Malacañang ang kondisyon ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos kumpirmahin ng pangulo na sumailalim siya sa endoscopy noong Miyerkules sa Cardinal Santos Medical Center.

Ayon kay Alejano, umaasa siyang magkakaroon ng magandang kalusugan si Duterte upang magampanan ang kanyang mga trabaho.

Gayunman, dapat anya na malaman ng publiko ang kalagayan ng kanyang kalusugan dahil isa itong isyu ng ‘national security’.

Lahat anya ng gagawin ng pangulo o mabigong gawin ay makakaapekto sa bansa.

Samantala, sinabi rin ng kongresista na umaasa siyang ang mga opisyal ng administrasyon ay magiging totoo sa kanilang mga sinasabi.

Ito ay matapos ang magkakaibang pahayag ng mga tagapagsalita ng pangulo at mismo ni Duterte tungkol sa ginawa nito noong Miyerkules.

Ani Alejano, ang nangyaring ito ay nagpapakita lamang na may itinatago sila sa sambayanang Filipino.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.