Landslide, naganap sa Zamboanga del Sur; daan-daang pasahero nastranded

By Rhommel Balasbas October 07, 2018 - 02:15 AM

Daan-daang bus passengers ang na-stranded sa loob ng dalawa at kalahating-oras sa isang highway sa Barangay Lacupayan, Tigbao, Zamboanga del Sur.

Ito ay matapos ang landslide na naganap sa bunsod ng walang tigil na pag-ulan.

Sa panayam ng Inquirer kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management (PDRRM) officer Engr. Francisco Mara, naabala ang mga pampasaherong bus at iba pang sasakyan dahil sa landslide.

Hindi nadaanan ang kalsada na tumagal ng higit dalawang oras simula alas-2:30 ng hapon.

Muli lamang nabuksan ang highway bandang alas-5:00 matapos maialis ang mga putik at debris na nakahambalang dito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.