Trak na puno ng kemikal na tumagilid sa Legarda, Maynila, naialis na sa kalsada

By Rhommel Balasbas October 07, 2018 - 01:11 AM

Matapos ang ilang oras na pagkakahambalang ay naialis na sa kalsada Sabado ng hapon ang naaksidenteng container van sa harap ng Arellano University sa Legarda, Maynila.

Sabado ng umaga nang bumangga ito sa isang pader sa harap ng unibersidad at napag-alamang naglalaman ng kemikal na toluene.

Tinatayang nasa 100 hanggang 150 litro ng toluene ang natapon mula sa dalawang drum ng trak.

Dahil dito ay isinara ang kalsada sa mga motorista dahil sa panganib ng naturang kemikal sa kalusugan ng tao.

Ayon kay Bureau of Fire Protection – Special Rescue Unit Chief Inspector Mariano Taguiam, maaaring makairita sa balat ng tao ang kemikal sakaling malanghap ito.

Dahil dito, pinayuhan ng BFP ang City Disaster Risk Reduction and Management Office at ang Barangay 410 na nakakasakop sa lugar na huwag munang magpalapit ng tao sa pinangyarihan ng aksidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.