Nasa 50 katao patay, 100 nalaplos matapos masunog ang tanker truck sa Congo

By Rhommel Balasbas October 07, 2018 - 12:33 AM

Tinatayang nasa 50 katao ang nasawi at higit 100 naman ang nalaplos matapos masunog ang isang tanker truck sa Congo.

Nagtamo ng hanggang second-degree burns ang 100 katao.

Naganap ang aksidente makaraang magbanggaan ang truck at bus at nagkumahog mangolekta ng tumatagas na langis mula sa tanker ang mga residente na nagresulta sa kanilang pagkasunog.

Nagpahayag ng kalungkutan si Kongo-Central Province interim governor Atu Matubuana sa trahedya.

Naghahanda na ang gobyerno para makilala ang mga nasunog na tao at isasailalim ang mga ito sa cremation.

Inutusan na ni Matubuana ang mga health officials na ihanda ang mga ospital sa paggamot sa mga biktima.

Noong taong 2010, nasa 200 katao rin ang nasawi matapos mangolekta ng tumatagas na langis ang mga residente sa isang naaksidenteng tanker truck sa South Kivu.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.