Balik-tambalan nina Carlo Aquino at Angelica Panganiban patok sa takilya

By Rhommel Balasbas October 07, 2018 - 12:00 AM

Mabenta sa takilya ang pagbabalik tambalan nina Angelica Panganiban at Carlo Aquino sa big-screen.

Ito ay matapos kumita ang kanilang pelikulang ‘Exes Baggage’ ng P207 milyon sa loob lamang ng 9 na araw.

Inanunsyo ito sa Facebook ng Black Sheep, isang film outfit sa ilalim ng Star Cinema.

Matatandaang kumita ang pelikula ng P71 milyon sa una nitong tatlong araw sa sinehan.

Nakatatanggap ng magandang reviews ang pelikula na isinailalim sa direksyon ni Dan Villegas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.