45% ng mga Filipino naniniwalang may ‘health problem’ si Pangulong Duterte – SWS

By Rhommel Balasbas October 07, 2018 - 02:47 AM

Naniniwala ang 45 percent ng mga Filipino na may problema sa kalusugan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang lumalabas sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) mula September 15 hanggang 23.

Sa 1,500 Filipino adults na na-interview, 45 percent ang nagsabing naniniwala silang may health problem ang pangulo, 26 percent ang hindi naniniwala habang 29 percent ang ‘undecided’ sa isyu.

Samantala, 55 percent naman ang nagsabing nababahala sila na magkaroon ng problema sa kalusugan ang presidente habang 44 percent ang hindi nababahala.

Lumalabas din sa survey ng SWS na 61 percent ng mga Filipino ang naniniwalang ang kalusugan ng pangulo ay isang ‘public matter’ o pampublikong paksa kaya dapat ipaalam sa mga mamamayan ang lahat ng bagay tunngkol dito; 33 percent ang nagsabing ito ay pribadong paksa at hindi na kailangang ipaalam sa publiko habang 6 percent ang walang opinyon.

Pinakamarami ang nagsabi na may problema sa kalusugan ang pangulo sa Metro Manila sa +31 na sinundan ng Balance Luzon sa + 21, Visayas sa +14 at pinakakaunti sa Mindanao sa +12.

Gayunman, pinakamataas ang bilang ng mga nag-aalala sa kalusugan ng pangulo sa Mindanao sa +61, na sinundan ng Metro Manila sa +59, Balance Luzon sa +53 at Visayas sa +51.

Ang resulta ng survey ng SWS ay inilabas sa kasagsagan ng mainit na isyu tungkol sa kumpirmasyon ni Pangulong Duterte na siya ay nagpatingin sa Cardinal Santos Medical Center noong Miyerkules.

 

TAGS: Rodrigo Duterte, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.