LOOK: Pangulong Duterte nasa Hong Kong para magpahinga

By Inquirer.net, Rhommel Balasbas October 06, 2018 - 10:50 PM

Nasa Hong Kong ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang kanyang partner na si Honeylet Avanceña at anak na si Veronica.

Ito ang kinumpirma ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go sa isang text message sa INQUIRER.net.

Ayon kay Go, nasa Hong Kong ang pangulo upang magpahinga.

Sa pamamagitan ng Facebook post ay ibinahagi ni Go ang mga larawan ng pangulo bago pa man kumalat ang anya’y mga ‘fake news’ tungkol sa pangulo.

“Bago maunahan pa ng mga Fakenews, kailangan din magpahinga ng Pangulo,” ani Go.

Nakatakda rin naman anya ito na bumalik agad sa bansa bukas, araw ng Linggo.

TAGS: Duterte in Hong Kong, Duterte in Hong Kong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.