Mas mataas na fuel discount sa PUVs pinag-aaralan ng DOE

By Alvin Barcelona October 06, 2018 - 07:56 PM

Pinag-aaralan na ng Department of Energy (DOE) ang pagpapalawig sa pagbibigay ng fuel discount sa mga pampasaherong sasakyan.

Sinabi ito ni Energy Sec. Alfonso Cusi bilang tulong sa mga apektadong public utility vehicle drivers sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Tinitingnan din nila ng posibleng pag-angkat ng mas murang petrolyo mula sa mga kapit-bansa ng Pilipinas.

Sinabi ni Cusi na malaking bahagi ng petrolyo na ginagamit sa bansa ay galing sa ibayong dagat kaya walang magawa ang pamahalaan sa paggalaw nito sa world market.

Kaugnay nito, nananawagan ang DOE sa sa lahat na maging matipid sa konsumo ng gasolina.

Sa ngayon nagbibigay ang pamahalaan ng tulong sa mga PUV drivers sa pamamagitan ng Pantawid Pasada Program o pamamahagi ng fuel discount voucher sa mga rehistradong operator at driver.

TAGS: cusi, Department of Energy, DOE, fuel voucher, pantawid pasada, cusi, Department of Energy, DOE, fuel voucher, pantawid pasada

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.