Konsehal sa Pampanga patay sa saksak at pamamaril

By Alvin Barcelona October 06, 2018 - 07:28 PM

Patay ang isang konsehal sa Sasmuan, Pampanga matapos na saksakin at pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek kaninang 6:00 ng umaga.

Ayon sa Pampanga Provincial Police Office, naglalakad si Councilor Jesus Angeles at ang kasama nito sa Barangay Sta. Lucia sa Sasmuan nang bigla itong saksakin sa dibdib ng isang naka-maskarang suspek.

Agad namang tumakas ang salarin sakay ng isang motorsiklo na minamaneho ng isa pang suspek.

Ayon kay S/Supt. Nicholas Salvador, acting director ng Pampanga Provincial Police Office, bagaman hindi nila inaalis ang ibang anggulo ay malaki ang posibilidad na may kinalaman ang insidente sa pulitika dahil tatakbo ang biktima bilang vice mayor sa bayan ng Sasmuan.

Posibleng ding pinaghandaan ang pamamaslang dahil mukhang alam ng mga suspek ang routine ng konsehal.

Samantala, kinumpirma ni Salvador na may lead na sila sa kaso dahil nakita sa CCTV ang plaka ng motorsiklo na ginamit bilang getaway vehicle ng mga salarin.

TAGS: jesus angeles, Pampanga, sasmuan, jesus angeles, Pampanga, sasmuan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.