Eleazar: PNP malabong sumama sa kudeta

By Alvin Barcelona October 06, 2018 - 03:57 PM

Inquirer file photo

Malabong sumama ang mga pulis sa anumang planong kudeta laban sa administrasyong Duterte.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni National Capital Regional Police Officer Dir. Guillermo Eleazar na kuntento ang mga pulis sa nakikita nila sa kasalukuyang administrasyon.

Ibinida ni Eleazar ang mababang bilang ng krimen, pagtaas ng sahod at ang ipinapakitang pag-aaruga ng gobyerno sa mga pulis.

Dahil dito, walang nakikitang dahilan si Eleazar para magtangka ng kudeta laban sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, kinumpirma ni Eleazar na pinag-aaralan nila ang ibinunyag ng Armed Forces of the Philippines na Red October plot laban sa administrasyon.

Tiniyak ng opisyal na ibabase nila sa ebidensya ang kanilang magiging aksyon laban sa mga makikita nilang lumalabag sa revised penal code at nag-uudyok ng rebelyon o sedisyon.

Sinabi din nito na kung walang ebidensya ay ginagarantiya niya na hindi malalabag ang karapatan ng bawat isa.

TAGS: duterte, Guillermo Eleazar, NCRPO, PNP, polt, red october, duterte, Guillermo Eleazar, NCRPO, PNP, polt, red october

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.