Duque: Health condition ng pangulo di dapat ikabahala ng publiko
Bilang isang duktor ay sinabi ni Health Sec. Francisco Duque na walang dapat ikabahala ang publiko sa lagay ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Bagaman sumailalim sa endoscopy, sinabi ni Duque na bahagi lamang ito ng pag-alam sa kalusugan ng isang tao.
Sa isyu naman pagkakaroon ng Barret’s Esophagus, sinabi ng kalihim na matagal na itong sinasabi ng pangulo at hindi naman ito inilihim sa publiko.
Ipinaliwanag rin ng kalihim na mababa ang tsansa na mauwi ito sa cancer.
Nakuha ni Duterte ang Barret’s Esophagus dahil sa kanyang madalas na paninigarilyo at pag-inom noong siya ay bata pa.
Base sa kanyang obserbasyon, sinabi ni Duque na malakas at masigla ang pangulo at normal lamang na humingi ng pahinga paminsan-minsan dahil sa kanyang edad.
Aminado rin ng opisyal na mahirap ang trabaho ng isang pangulo dahil sa dami ng problema at stress na kanyang dapat daanan sa araw-araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.