Boston Celtics hindi lalayasan ni Kyrie Irving

AP

Mananatili sa Boston Celtics si NBA star Kyrie Irving.

Sa isang pagtitipon ng mga Celtics fan sa TD Garden, tinukdukan na ni Irving ang mga ulat na naghahanap na siya ng malilipatan na team para makasungkit ng NBA finals ring.

“I’ve shared it with some of my teammates, as well as the organization and everyone else in Boston….If you guys will have me back, I plan on re-signing here,” pahayag ng 26-anyos na player.

Umani ng palakpak at hiyawan ang nasabing pahayag ni Irving

Sa ulat ng Hoophype.com, si Irving may kumita ng $20.1 Million para sa 2018-2019 season at inaasahang aabot naman sa $23.3 Million ang laman ng kanyang kontrata para sa 2019-2020 season.

Read more...