Ipinaliwanag ng Department of Finance na pansamantala lamang ang nararansang inflation partikular na sa mga pangunahing bilihin.
Ito ay makaraang pumalo sa 6.7 percent ang inflation rate sa nakalipas na buwan ng Setyembre.
Ipinaliwanag ni Finance Asec. Tony Lambino na pangunahing dahilan ng inflation ay ang pagtaas sa halaga ng bigas, poultry products, gulay at isda.
Kaugnay nito ay naglabas na si Pangulong Rodrigo Duterte ng tatlong memorandum orders na nag-uutos sa mabilis na importasyon ng mga kinakailangang produkto para sa local market.
Ipinaliwanag ni Lambino na mismong pangulo na rin ang nagsabi na bawasan ang bureaucracy sa proseso ng importation para mas mabilis na mapakinabangan ng sambayanan ang ilang mga imported products lalo na ng mga pagkain.
Binuhan na rin ng Department of Agriculture ang ilang mga special markets na magbebenta ng mga murang bigas, gulay at isda na direktang nagmula sa mga lalawigan.
Noong isang linggo lang ay sinibak ng pangulo ang ilang mataas na opisyal ng Bureau of Customs sa Zamboanga City makaraang mawala sa mga bodega ang 23,000 sako ng nasabat na smuggled rice mula sa bansang Malaysia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.