ARMM tutulong para mahuli ang mga pumatay sa PDEA agents sa Lanao

By Angellic Jordan October 06, 2018 - 11:01 AM

Inquirer file photo

Kinondena ni Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Mujiv Hataman ang pagpatay sa limang ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Kapai, Lanao del Sur.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Hataman na may koneksyon ang pagkamatay ng PDEA agents sa kanilang tungkulin.

Nasawi ang mga ahente matapos pagbabarilin ng mga armadong lalaki sa loob ng puting Toyota Fortuner sa Barangay Malna, Biyernes ng tanghali.

Ayon sa ulat, dumalo ang mga biktima sa isang programa para sa mga drug surrenderee sa Tagoloan.

Nangako rin ang opisyal na tutulong ang kanyang tanggapan para makilala kung sino ang utak sa nasabing pananambang.

TAGS: ambush, ARMM, Hataman, Lanao, PDEA, ambush, ARMM, Hataman, Lanao, PDEA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.