Nabawi na ng Bureau of Customs ang umaabot sa 16,000 sako ng bigas na bahagi ng 23,000 sacks shipment na naiulat na nawawala sa Port of Zamboanga City.
Sa ulat na inilabas ng tanggapan ni Customs Commissioner Isidro Lapeña, nabawa ang nasabing mga bigas sa magkakahiwalay na mga bodega.
Kasalukuyang iniimbestigahan ang mga may-ari ng nasabing mga bodega na pansamantala munang hindi pinangalanan ng mga otoridad.
Magugunitang noong Huwebes ay kaagad na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsibak sa ilang Customs officials makaraang mawala sa kanilang pangangalaga ang ang nasabing mga bigas.
Ang naturang kargamento ay bahagi ng recovered smuggled goods na mula sa bansang Malaysia ayon sa BOC.
Tiniyak naman ni Lapeña na marami pang ulo ang gugulong dahil sa pagpupuslit sa nasabing mga bigas.