Trak na puno ng kemikal tumagilid sa Legarda, Maynila

By Angellic Jordan October 06, 2018 - 09:02 AM

Radyo Inquirer

Bumangga at tumagilid ang isang container van sa Maynila, Sabado ng umaga.

Naganap ang aksidente matapos mabangga ang container van sa pader sa harap ng Arellano University sa kahabaan ng Legarda Avenue.

Dahil dito, pansamantalang isinara sa mga motorista ang Legarda Avenue sa bahagi ng unibersidad.

Nadamay sa aksidente ang kalapit na sasakyang L300. Sa ngayon, nagsasagawa na ng clearing operation sa lugar.

Sinabi ng mga rumespondeng miyembro ng Manila Rescue Team na naglalaman ng mga chemical ang nasabing van kaya kaagad nilang pinalayo an mga residente sa lugar.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang clearing operations ng Metro Manila Development Authority sa lugar.

TAGS: areallano university, Legarda, Vehicular accident, areallano university, Legarda, Vehicular accident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.