Ginebra, wagi vs NLEX; Caguiao, naabot na ang 10,000-point club

Inquirer file photo

Wagi ang Barangay Ginebra San Miguel kontra NLEX Road Warriors para sa PBA Governors’ Cup sa iskor na 106-94.

Kasabay ng magandang laro, napasama na rin si Mark “The Spark” Caguioa sa 10,000-point club ng PBA.

Nakadagdag ang kaniyang 16 points para maabot ang 10,000 points na record at makatulong mapunan ang kakulangan ng koponan dahil sa ilang injured na manlalaro.

Ayon kay Ginebra coach Tim Cone, sisimulan na nilang mabuo ang susunod na 10,000 points ni Caguioa.

Maaari pa aniyang maglaro si Caguioa hanggang 50-anyos dahil sa pagiging espesyal na manlalaro nito.

Ito na ang ikaapat na sunod na panalo ng Ginebra.

Umakyat na rin sa 6-1 ang win-loss record nito at nakuha ang unang pwesto sa team standings.

Read more...