Easterlies, magdadala ng pag-ulan sa Bicol Region at Visayas

Nakakaapekto sa ilang bahagi ng bansa ang easterlies o hanging nagmumula sa dagat-Pacifico.

Ayon sa 4am weather advisory ng PAGASA, ang Bicol Region, Eastern at Central Visayas ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat dahil sa easterlies.

Sa nalalabing bahagi naman ng bansa kabilang na ang Metro Manila ay makararanas ng maalinsangang panahon na may posibilidad lamang ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Ligtas sa paglalayag sa mga baybaying dagat ng bansa ang anumang uri ng sasakyang pandagat.

Read more...