Pilipinas, handang magbigay ng tulong sa Indonesia matapos ang M7.5 na lindol
Ipinahayag ng Pilipinas ang kahandaan nitong magbigay ng tulong sa Indonesia matapos ang magnitude 7.5 na lindol na tumama sa bansa at kumitil sa buhay ng nasa 1,500 katao.
Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang tulong pinansyal ay ipaaabot sa pamamagitan ng ASEAN Coordinating Center for Humanitarian Assistance on Disaster Management.
Bukod dito ay handa rin umano ang Pilipinas na magbigay ng relief items at magpadala ng medical teams sa lalong madaling panahon.
Ayon kay Duterte, ang panahong ito ay pagkakataong maipakita ang pagkakaisa ng ASEAN.
Iginiit ng pangulo na gagawin nito ang papel ng Pilipinas at sisiguruhing makababangon ang Indonesia sa hinaharap na mga pagsubok.
Magugunitang ang lindol sa Palu sa Sulawesi, Indonesia ay nagresulta pa sa tsunami na tinatayang may taas na 20 talampakan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.