Proseso sa pag-iinspeksyon sa NAIA, rerepasuhin-DOTC

By Jay Dones November 04, 2015 - 04:01 AM

 

Inquirer file photo

Rerepasuhin ng Department of Transportation and Communication ang Sistema ng pagsasalang sa inspeksyon ng mga bagahe ng mga pasaherep sa Ninoy Aquino International Airport dahil sa paglobo ng mga insidente ng ‘tanim bala’.

Ayon kay DOTC Secretary Joseph Abaya, kanilang ipinag-bigay alam na ang ang mga bagong plano kay Pangulong Benigno Aquino III na una nang inatasan ang DOTC na resolbahin sa lalong madaling panahon ang isyu.

Kabilang aniya sa mga babaguhin ay ang sistema kung saan tanging ang mga pasahero lamang ang maaaring humawak ng kanilang mga bagahe.

Bukod dito, inumpisahan na rin aniya ang paglalagay ng mga karagdagang CCTV Camera sa mga screening stations.

Dadagdagan din at palalakihin ang mga nakapaskil na warning signs sa loob at labas ng NAIA terminal na nagsasaad na mariing ipinagbabawal ang pagdadala ng bala sa loob ng mga paliparan.

Tinukoy din ni Abaya, wala namang pagtaas sa bilang ng ma nahuhulihan ng bala nitong 2015 kumpara sa nakalipas na mga taon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.