Ito ay matapos ang resignation ng orihinal na director nitong si Erik Matti.
Sa isang statement, sinabi ni ABS-CBN integrated Corporate Communications Head Kane Errol Choa, malugod na tinanggap ni Tarog ang proyekto at sa mga susunod na panahon ay sisimulan niya na ito.
Kinilala ng ABS-CBN ang galing ng direktor sa paglikha nito sa mga pelikulang ‘Heneral Luna’ at ‘Goyo: Ang Batang Heneral’.
Giit ni Choa, welcome sa ABS-CBN ang mga bago, makabuluhan at magaling na istilo ng direksyon ni Tarog na makatutulong sa pagbabalik sinehan ng Darna.
Matatandaang inanunsyo ni Erik Matti ang kanyang pagbibitiw sa pelikula sa pamamagitan ng isang Instagram post.
Si Liza Soberano ang napiling gumanap bilang ‘Darna’.