Net satisfaction rating ng Duterte admin bumaba sa 50% ayon sa SWS survey
Bumaba ang net satisfaction rating ng administrasyong Duterte sa 50 percent ayon sa third quarter survey ng Social Weather Stations (SWS).
Mula sa +58 noong Hunyo ay +50 na lamang ang net satisfaction na nasa klasipikasyon pa rin namang ‘very good’.
Batay sa survey na isinagawa noong September 15 hanggang 23, 65 percent ng mga Filipino ang nasisiyahan sa administrasyon, 19 percent ang hindi tiyak at 15 percent ang hindi nasisiyahan.
Bumaba ang rating ng pambansang administrasyon sa lahat ng rehiyon ng bansa.
Sa Mindanao kung saan mula sa excellent ay naging very good na lamang; mula sa very good sa Balance Luzon at Visayas ay naging good na lamang; habang nanatili sa good sa Metro Manila bagaman bumaba rin ang bilang ng mga nasisiyahan.
Very good o higit sa +50 ang nakuha ng administrasyon sa limang isyu tulad ng imprastraktura, pagtulong sa mahihirap, rehabilitasyon ng Marawi City, pagprotekta sa karapatang pantao at paglaban sa terorismo.
Gayunman, neutral o nakakuha lamang ng +8 ang administrasyon sa paglaban sa inflation o patuloy na pagsipa ng presyo ng mga bilihin.
Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 adult Filipinos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.