Pagpapakamatay ng mga guro nais paimbestigahan sa Senado
Kasabay ng paggunita ng World Teachers’ Day, naghain ng resolusyon si Senator Sonny Angara para maimbestigahan sa Senado ang pagpapakamatay ng mga public school teachers.
Layon ng Senate Resolution 914 na malaman kung may katotohanan ang mga alegasyon na ang pagpapakamatay ng mga guro ay nag-uugat sa mabigat nilang pasanin sa pagtuturo gaya ng sinasabi ng isang grupo ng mga guro.
Sinabi ni Angara layon ng kanyang resolusyon na makapagpasa ng mga paraan na magbibigay proteksyon sa mga guro sa aspeto ng kanilang pangangatawan, emosyon at pag iisip.
Ibinahagi nito na noong Hulyo, isang bagong guro sa La Paz, Leyte ang nag-suicide at ito ay sinundan ng isa pang pagpapakamatay ng isa pang guro sa Bacoor City sa Cavite.
Sa social media posts ng mga kaibigan ng dalawang guro, nagpahiwatig ang mga ito na maaring kinitil ng dalawa ang kanilang buhay bunga ng sobrang bigat at dami ng kanilang trabaho.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.