Ayon kay Laurel, patuloy nilang minomonitor ang kalagayan ng 1,800 Filipino sa isla.
Dagdag pa ni Laurel hindi rin nagpalabas ng tsunami warning ang mga awtoridad at hindi isinara ang Chitose airport.
Aniya sandaling nahinto lang ang biyahe ng mga Shinkansen trains at nagbalik din sa normal ang operasyon.
Alas-7:58, oras dito sa Pilipinas, nang yanigin ng lindol na naitalang may distansiyang 73 milya ang pang-limang pinakamalaking isla sa Sapporo.
Wala pa rin kumpirmadong ulat ukol sa mga nasaktan at napinsalang ari-arian bunga ng pagyanig ng lupa.
MOST READ
LATEST STORIES