Walang Filipino na nasaktan sa lindol sa Hokkaido, Japan – PH Embassy

By Jan Escosio October 06, 2018 - 01:23 AM

Kinumpirma ni Ambassador to Japan Jose Laurel V na walang Filipino na nasaktan sa magnitude 5.3 na tumama sa Northern Hokkaido sa Japan Biyernes ng umaga.

Ayon kay Laurel, patuloy nilang minomonitor ang kalagayan ng 1,800 Filipino sa isla.

Dagdag pa ni Laurel hindi rin nagpalabas ng tsunami warning ang mga awtoridad at hindi isinara ang Chitose airport.

Aniya sandaling nahinto lang ang biyahe ng mga Shinkansen trains at nagbalik din sa normal ang operasyon.

Alas-7:58, oras dito sa Pilipinas, nang yanigin ng lindol na naitalang may distansiyang 73 milya ang pang-limang pinakamalaking isla sa Sapporo.

Wala pa rin kumpirmadong ulat ukol sa mga nasaktan at napinsalang ari-arian bunga ng pagyanig ng lupa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.