Pangulong Duterte, hindi itatago ang lagay ng kalusugan ayon kay Sec. Guevarra
Naniniwala si Justice Secretary Menardo Guevarra na hindi itatago ni Pangulong Rodrigo Duterte kung seryoso ang sakit nito.
Ayon kay Guevarra, alinsunod sa mandato ng pangulo sa Konstitusyon na maging transparent sa kanyang kalusugan, boluntaryo nitong isasapubliko ang kanyang sakit.
Wala anyang pakinabang ang presidente kung itatago niya ang kanyang sakit.
Wala rin anyang itinatagong personal na bagay ang pangulo kabilang ang estado ng kalusugan nito.
Pero sa tingin ng DOJ Secretary, mananatili ang pangulo hanggang kaya ng katawan nito.
Nakasaad sa Section 12, Article VII ng 1987 Constitution ang alituntunin sakaling may seryosong sakit ang Pangulo kung saan dapat nitong ipaalam sa publiko ang kundisyon ng kanyang kalusugan lalo na kung malubha ang karamdaman nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.