AFP official, inaming hindi niya alam kung nagsumite o hindi si Trillanes ng amnesty application

By Len Montaño October 06, 2018 - 12:06 AM

Inamin ng opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP), na siyang nagbigay ng sertipikasyon na ginamit sa paglabas ng Procalamation No. 572, na hindi niya personal na alam kung nagsumite o hindi si Sen. Antonio Trillanes IV ng aplikasyon sa amnestiya.

Sa kanyang pagtestigo sa korte, sinabi ni Lt. Col. Thea Joan N. Andrade, Chief of the Discipline, Law and Order Division ng Office of the Deputy Chief of Staff for Personnel (J1), hindi niya sinertipikahan na hindi nagsumite si Trillanes ng amnesty application form.

Sumalang si Andrade sa pagdinig ng kasong kudeta ni Trillanes sa Makati Regional Trial Court Branch 148.

Ang naturang certification ang ginamit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa proklamasyon na nagpawalang-bisa sa amnestiya ng Senador.

Tinanong ng abogado ni Trillanes na si Atty. Reynaldo Robles si Andrade kung hindi nito intensyon na mag-testify na hindi nag-apply ng amnesty ang mambabatas, bagay na sinagot nito ng “oo.”

Matatandaan na sa kanyang certification ay sinabi ni Andrade na walang available copy ng amnesty application ni Trillanes sa kanilang record.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.