Kumuha si NBA star Lebron James ng security team para bantayan ang kanyang property sa Los Angeles.
Sa gitna ng banta ng pagnanakaw, kumuha si James ng mga armadong otoridad na magbabantay sa kanyang LA property.
Kabilang sa security team sa bahay ni King James ang mga off-duty police officers at tumutulong din ang NBA sa seguridad sa kanyang mansion.
Hakbang ito ng Lakers star kasunod ng pagka-aresto sa 3 binatilyo na umanoy nagnakaw sa mga bahay ng mga celebrities sa Los Angeles.
Nakuha sa mga suspek ang listahan na pininiwalaang naglalaman ng target sa pagnanakaw.
Kasama sa listahan ang properties nina Matt Damon at Viola Davis.
Kabilang naman sa mga ninakawan ang bahay ng singer na si Rihanna.
Lumipat si James sa LA nang pumirma ito ng kontrata sa Lakers. Pag-aari nito ang $23 million, 15,846-square foot mansion sa Brentwood na may 8 bedrooms at 11 bathrooms.