Ulat na pagsangkot ni Pang. Duterte sa Chinese ambassador sa isang drug lord, mali at malisyoso – Malakanyang

By Dona Dominguez-Cargullo October 05, 2018 - 06:31 PM

Tinawag na mali at malisyoso ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang lumabas na balita na sinabi umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa ilegal na droga ang Chinese businessman na si Michael Yang.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Roque na misquoted ang pangulo sa naturang balita.

Malinaw ayon kay Roque na sa naging pahayag ng pangulo ay binanggit niya na si Yang ay malapit kay Chinese Ambassador Zhao Jianjua.

Ibig sabihin, ang nais iparating ng pangulo ay hindi siya makapaniwalang sangkot sa illegal drug trade si Yang.

Ipinakita pa ni Roque ang bahagi ng video kung saan binanggit ng pangulo ang isyu.

At dahil hindi aniya naniniwala ang pangulo na sangkot sa illegal drugs si Yang ay malinaw na mali ang lumabas na artikulo na isinasangkot ni Pangulong Duterte ang Chinese ambassador sa isang drug lord.

Sinabi ni Roque na ang malisyosong artikulo ay maaring magdulot pa ng lamat sa maayos na relasyon ng Pilipinas at China.

Ang masaklap pa ani Roque, ginamit din ang naturang balita ng mga international news agency.

Dahil dito, nanawagan si Roque sa news website na nagsapubliko ng ulat na maging responsable.

Pinatatama rin ni Roque ang balita at pinag-iisyu ang news website ng “errata”.

TAGS: Chinese Ambassador, illegal drug trade, Michael Yang, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, Zhao Jianjua, Chinese Ambassador, illegal drug trade, Michael Yang, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, Zhao Jianjua

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.