SRP sa bigas ipatutupad na sa katapusan ng Oktubre

By Dona Dominguez-Cargullo October 05, 2018 - 06:17 PM

Dahil sa naranasang problema sa suplay at presyo ng bigas, magpapatupad ng ang pamahalaan ng Suggested Retail Price (SRP) sa bigas sa merkado.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Sec. Manny Piñol, ito ay sinang-ayunan ng mga negosyante ng bigas.

Kasama ding ipatutupad ang SBP o Suggested Buying Price para sa bigas na binibili sa mga magsasaka.

Sa ilalim ng SBP dapat sundin ng mga trader ang base price at proce ceiling sa pagbili ng mga produkto ng mga magsasaka ng bigas.

Ang SRP naman ay layong matiyak na ang traders at retailers ay hindi magbebenta ng bigas sa sobrang taas na halaga.

Pumayag din ang mga rice importer na ibaba ang retail price ng imported rice sa sa merkado.

Humiling ng dalawang linggong grace period ang mga rice traders bago ipatupad ang SBP at SRP para maibenta muna nila ang kanilang stocks na nabili nila ng mahal.

Sa katapusan ng Oktubre ang SRP para sa bigas ay ang sumusunod:

– Regular Milled Rice P39 per kilo
– Well-Milled Rice P42 per kilo
– Long Grains Head Rice P44 per kilo

Habang pagkakasunduan pa ang itatakdang SRP sa Heirloom at Organic Rice.

TAGS: commercial rice, suggested retail price, commercial rice, suggested retail price

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.