Pilipinas nasungkit ang unang panalo sa FIBA 3×3 Under-23
By Dona Dominguez-Cargullo October 05, 2018 - 06:05 PM
Nasungkit ng Pilipinas ang unang panalo sa FIBA 3×3 Under-23 World Cup.
Ito ay matapos na talunin ng Pilipinas ang koponan ng Turkmenistan sa score na 21-8 sa laban na ginanap sa Xi’an, China.
Pinangunahan ni Ricci Rivero team Pilipinas para makuha ang panalo matapos ang dalawang magkasunod nilang talo sa Slovenia at Serbia.
Dahil sa 1-2 na standing, kailangang talunin ng Pilipinas ang undefeated na koponan ng China sa laban na magaganap Biyernes ng gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.