Van na sinasakyan ni Pangasinan Rep. Leopoldo Bataoil nasangkot sa aksidente

By Dona Dominguez-Cargullo October 05, 2018 - 04:56 PM

Rep. Leopoldo Bataoil | Contributed Photo

Nasangkot sa aksidente ang sasakyan ni Pangasinan Rep. Leopoldo Bataoil, Biyernes (Oct. 5) ng umaga.

Ayon sa pahayag mula sa tanggapan ng kongresista, ligtas naman ito at dumaing lamang ng pananakit ng leeg matapos makabanggaan ng sinasakyang van ang isang motorsiklo sa bayan ng Paniqui sa lalawigan ng Tarlac.

Nasugatan sa nasabing aksidente ang rider ng motorsiklo na si Renato Macato.

Pauwi na sana si Bataoil sa kaniyang bahay sa Lingayen alas 4:50 ng umaga nang mabangga ng van ang motorsiklo sa Paniqui-Camiling Road sa Barangay Mabilang.

Nag-swerve umano ang motorsiklo at iniwasan ang mga nakahelerang bato sa bagong sementong kalsada kaya bumangga ito sa van.

Agad namang dinala ni Bataoil at kaniyang driver ang sugatang rider sa Teodoro Memorial Hospital bago ilipat sa Sto. Nino Hospital sa Camiling.

Sa ngayon ligtas na ang lagay ni Macato pero pinayuhang manatili pa sa pagamutan.

Sinabi ni Bataoil na sasagutin na rin niya ang bayarin sa ospital ni Macato.

TAGS: accident, Leopoldo Bataoil, pangasinan, accident, Leopoldo Bataoil, pangasinan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.