Pag-upo ni Rep. Suarez bilang minority leader hiniling na ipawalang bisa sa Korte Suprema

By Dona Dominguez-Cargullo October 05, 2018 - 04:37 PM

Hiniling ni Marikina Rep. Miro Quimbo sa Korte Suprema na mapawalang-bisa ang pag-upo ni Quezon Rep. Danilo Suarez bilang house minority leader.

Inihain ni Quimbo ang petisyon at hiniling sa SC na atasan ang House of Representatives na kilalanin siya bilang lider ng minorya.

Ani Quimbo, sa 2017 decision ng SC, nakasaad na ang mga bumoto para sa losing candidates para sa house speakership at ang mga nag-abstain ay dapat na bubuo ng minority group sa Kamara.

Binanggit din ni Quimbo ang Sec. 8 Rule II ng Rules of the House na nagsasaad na ang mga miyembro ng Kamara na bumoto sa winning candidate sa house speakership ang bubuo naman ng mayorya.

Bago ang petisyon ni Quimbo, may nauna nang inihaing petisyon ang grupo naman ni Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas.

Sa petisyon ni Fariñas nais naman nito na si ABS Party-List Rep. Eugene De Vera ang kilalaning minority leader.

Ayon sa grupo ni Quimbo at Fariñas inabandona na ng grupo ni Suarez ang minorya ng iboto nito para sa House Speaker post si Rep. Gloria Arroyo.

TAGS: Danilo Suarez, House of Representatives, minority leadership, miro quimbo, Danilo Suarez, House of Representatives, minority leadership, miro quimbo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.