5 PDEA agents patay sa ambush sa Lanao Del Sur

By Dona Dominguez-Cargullo October 05, 2018 - 04:03 PM

Patay ang limang ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ambush na nagnap sa Kapai, Lanao Del Sur.

Maliban sa mga nasawi mayroong dalawang iba pang nasugatan sa insidente na naganap sa Barangay Malna.

Ayon sa mga pulis, ang limang nasawi ay sina Kenneth Tabulo, Kristine Mae Torlao, Lores Joy Amar, Binzo Dipolla at Diobel Pacinio, habang sugatan naman sina PDEA agent Rachel Gentapanan at non-uniformed personnel ng Tagoloan Municipal Police Station na si Normina Dicay.

Ang pito ay sakay ng van patungo sa Marawi City nang sila ay pagbabarilin nang hindi pa nakilalang mga suspek.

Galing umano ang pito sa isang aktibidad para sa mga drug surrenderer sa Tagoloan police station.

Nagsasagawa na ngayon ng hot pursuit operations ang pinagsanib na pwersa ng Tagoloan at Kapai municipal police stations para madakip ang mga salarin.

Inaalam pa din kung ano ang motibo sa pananambang.

TAGS: ambush incident, Lanao Del Sur, seven pdea agents, ambush incident, Lanao Del Sur, seven pdea agents

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.