Atty. Gadon tatakbong senador, sinabing ayaw na sa bobo ng mga tao
Tatakbong senador sa 2019 elections si Atty. Larry Gadon, ang abogadong nagsampa ng impeachment complaint laban kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay Gadon, mataas ang kumpiyansa niyang mananalo siya dahil aniya, “ayaw na ngayon ng mga tao sa mga bobo”.
Hindi na rin aniya madaling maloko ngayon ang mga botante.
Si Gadon ay kakandidato sa ilalim ng partidong Katipunan ng Demokratikong Pilipino.
Naniniwala si Gadon na popular siya hindi lang sa mga kabataan kundi maging sa mga professional at senior citizen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.