Direk Erik Matti kinumpirmang hindi na siya magiging bahagi ng Darna movie

By Jimmy Tamayo October 05, 2018 - 02:18 PM

Kinumpirma ni Direk Erik Matti ang pagbibitiw niya sa Darna movie sa ilalim ng Star Cinema na pinangungunahan ni Liza Soberano.

Matapos ihayag ng produksyon ang pag-alis ni Matti sa nasabing pelikula, naglabas ang direktor ng kanyang statement.

Ayon kay Matti “creative differences” ang dahilan ng kanyang resignation sa pelikula.

Inihayag pa niya na sa loob ng apat na taong paghahanda, pagpaplano at pagbuo ng konsepto para sa bagong bersyon ng pinay “komiks’’ icon nakakalungkot na kailangan niyang magpaalam sa pelikula.

Dagdag pa ni Matti, mahalaga sa kanya ang proyekto dahil sa personal na koneksyon niya sa pelikula.

Ayon kay Matti, una niyang trabaho bilang continuity supervisor ay ang Darna movie ng direktor na si Peque Gallaga na pinangungunahan noon ni Anjanette Abayari noong 1994.

Kaugnay nito nagpasalamat ang direktor sa mga staff at crew ng nasabing pelikula.

Nagpa-abot din ito ng mensahe sa lead star na si Liza Soberano dahil aniya sa “dedication and commitment” nito para gampanan ang iconic role.

Noong isang taon nang ihayag ng Star Cinema na gagawin nila ang bagong bersyon ng Darna sa ilalim ng direksyon ni Matti.

Napag-alaman naman na nakapag-shooting na si Matti ng ilang mga eksena para sa pelikula.

TAGS: Darna, Erik Matti, Radyo Inquirer, Darna, Erik Matti, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.