Mga Senador doble-kayod na sa susunod na linggo para sa pambansang budget

drilon-0505
Inquirer file photo

Magsasagawa ng sesyon sa umaga at hapon ang mga senador oras na umakyat na sa Senado ang 2016 national budget.

Ayon kay Senate President Franklin Drilon, sa Biyernes o di kaya sa araw ng Lunes sa susunod na linggo maaring maisumite ng kamara ang panukalang pondo para sa susunod na taon.

Sa Miyerkules, November 16 ay maaring maisponsoran ni Senador Loren Legarda, chairman ng Senate Committee on Finance ang committee report sa budget.

Pagtitiyak ni Drilon, gagamitin ng senado ang mga araw na may sesyon para maaprubahan ang budget bago matapos ang 2015.

Hindi rin aniya dapat na mabahala ang publiko kahit na ideneklarang holiday ni Pangulong Benigno Aquino III ang November 16 hanggang 20 para sa Asia Pacific Economic Cooperation summit.

Read more...